25 na pala tayo...parang kailan lang (hango sa sikat na awitin ni florante), nasa tagsibol pa tayo ng ating kabataan. nasa mga unang taon ng dekada '80. panahon ng mga tugtuging funkytown, born to be alive, designer music, hands up at mga love songs na come what may, endless love, i'll always love you atbp. tila baduy na ang iba at karamihan nito pero may mga alaalang sumasagi sa ating isipan at kumukurot sa ating mga damdamin tuwing naririnig natin ang ilan sa mga ito - ang mga harutan sa klase at maging sa labas ng silid-aralan, ang mga idinulot na pagkakaibigan at samahan, ang mga araling natutunan hindi lang tungkol sa mga pang-akademyang kaalaman kundi maging sa pang-araw-araw na gawain at buhay, ang mga guro at ibang taong sa ayaw at sa gusto man nati'y naging bahagi ng ating pagkahubog at paglago bilang tao sa lipunan. hayskul - ilang taon lang ang sinakop nito subalit kung pagbabalikang-tanaw ang nakaraan, sari-sari at magkahalong tuwa at lungkot ang mararamdaman. kaya halina. sama-sama nating pagulungin ang gulong ng panahon pabalik sa nakalipas na kabataan - noong hindi na tayo munting bata at hindi pa rin ganap na matanda. ah, tila kailan nga lang...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment