mahal naming batchmate

Iniimbatahan ka namin sa bak2iskul 2008: isang pasasalamat” – ang ating silver jubilee sa pagtatapos ng high school sa university of la salette. Tayo ngayon ang naatasang mag-host ng salusalo para sa lahat ng alumni.

25 taon na pala ang nakakaraan. Nais sanang samasama nating sariwain ang mga nakalipas na taon at kumustahin ang kasalukuyan. Bilang pagdiriwang, may mga inihandang programa ang batch para sa taong 2008. Gusto ka naming makasali sa:

March – paramdam sa high school graduation

June – balik-paaralan program

September – foundation day celebration

November – alumni in memoriam

December – alay sa belen and grand homecoming

Mag-dodonate ang batch 83 ng limang (5) personal computer para sa internet cafe ng high school. Ito ay para magkaroon ng mura at eksklusibong internet para sa mga estudyante. Inaasahang ang kikitain nito ay magiging sapat para sa maintenance at patuloy na operasyon nito sa mga susunod na taon. Meron din tayong pledge na Php 50,000 para sa itinatayong high school chapel. Ang total budget ng batch para sa lahat ng programa ay Php 500,000 na inaasahang makokolekta lahat hanggang June 2008.

Humihingi ang batch 83 ng Php 1,000 bilang minimum voluntary contribution sa mga may kayang magbigay ng ganitong halaga. Hindi ito sapilitan. Anumang ibang halaga, bagay o serbisyong maibabahagi ng bukal sa kalooban ay malugod na tatanggapin.

Bilang pasasalamat, inaasahang mabibigyan ang lahat ng nagbigay at nagbahagi, ng isang souvenir shirt, coffee table book at reunion dvd. Binabalak pa ring maglabas ng isang original audio cd na ipagbibili, para sa karagdagang pondo.

Ang araw ng reunion ay pinaghahandaang mabuti para maging ganap na panahon ng mga pag-alaala ng nakalipas, kasabay na rin ng pagtuon sa ngayon at sa hinaharap.

Inaasahan ng batch 83 ang iyong suporta.

Nais ka naming makabilang at makabahagi sa pag-alaala at pagdiriwang.


TONY VALLEJO

Chairman

Executive Committee



click to view/download letter to other graduates

NOTE: feel free to download, print and send these letters so others may know what is happening with BATCH 83 and the alumni homecoming preparations for 2008.


No comments:

Pages