masaya at makulay ang nakaraang grand alumni homecoming!
the efforts exerted by the whole batch paid off.
27 december was started with a eucharistic celebration attended by the alumni and others. dito nagsulputan ang ilang matagal na di nagparamdam. feelings of surprise and happiness - kumustahan, biruan at kung anu-ano pa. nagsimula na ring alalahanin ang mga nakalipas na panahon ng hayskul. the mass was celebrated by Reverend Fathers Efren Musngi and Frank Picio. there were our former teachers and members of the older batches.
sinundan ito ng motorcade. namutiktik ng mga yellow balloons ang mga sasakyan. hindi ito parada gaya noong araw. walang naglakad. bumalik ang mga 'umikot' sa hayskul gym para sa kape at merienda. hindi magkandamayaw ang kodakan.
naayos at naihanda na ang stage. inilatag ang mga mesa at upuan. may 3 buffet tables para sa mga inihandang pica-pica. ang san miguel corporation ay nagtayo ng booth para sa mga ipagbibiling drinks.
nagsimula ang registration mga bandang alas 7 ng gabi. siyempre marami na sa batch 83 ang dumating ng maaga. nandoon na rin ang mga bagets na graduates para sa kanilang tanging bilang. naubusan ng name tags, nagkulang ng mesa para sa mga iba't-ibang batches pero maraming upuan. sinimulang ipamahagi ang mga pagkain habang ang video ng mga batch 83 members ay pinapanood. may mga kantiyawan.
ginanap ang program para sa iba pang palabas ng gabi. interpretative invocation ng batch 2009. bumati si Tony Vallejo bilang chairman ng reunion committee, at si Dr. Bona de Vera - president ng alumini association. iprinisenta ni Tony V at Jun Roque (batch 83 president) ang gift ng batch 83 sa eskuwela, na tinanggap ni Ms. Precy Ilagan - principal. sumayaw ang batch 78. impromptu song and group dance ang batch 83- i will survive. may video ulit ang batch 83 - nahinto sa kalagitnaan. kasalanan ng laptop. action song ang batch 84. humirit pa ng isa - ayaw magsabay ng gitara at ng kanta. nagbigay ng cash awards sa mga nanalo sa iluminada silverio cup. may turnover ng key of responsibility sa batch 84. tinanggap nila ng buong tapang.
natapos ang main program. marami pang natirang pagkain. tumugtog ang nakaabang na banda. mas piniling patugtugin ang mga mp3 ng mga nagdaang dekada. siyempre ang batch 83 ay nagpaiwan. naglabasan ang mga pinakatagutagong inhibitions sa pagsayaw. di na talaga mga dalagita o binatilyo.
ang mga kamera ay patuloy na sumaksi sa mga hosts ng palatuntunan. may part 2 pa sa kinaumagahan. pakitanong na lang ang iba para naman may masabi sila...
No comments:
Post a Comment